Niko, sakit ba manganak??? kaya ko ba un??
Email ng officemate ko pagkatapos niyang makita ang pictures ni Yenang sa desktop ko. Siyempre pa reply ako;
Naku po, number one akong duwag. Gusto ko talaga ng baby pero super natatakot ako sa thought ng panganganak..
Kaya sa tiyan pa lang si yenang kinakausap ko na siya na wag niya ko pahirapan.. before and while laboring natawag ko na ata lahat ng santo at humingi na ng tawad sa Diyos sa mga kasalanan ko. Imagine, naglabor ako ng walong oras. Pero dahil siguro mahal ako ni Lord no pains ako. Wala namang masakit. Hilab pala yung tawag sa paninigas ng tiyan. At kung masakit man ang balakang ko parang normal na sakit lang ng katawan, di kainda inda.
Ang ending CS, paglipat ko mula sa delivery room kung san ako naglabor papuntang operating room kung san ako isiCS, nakatulog na ko. Pagkatapos ng sampung oras sa recovery room nakasama ko na ang mag ama ko. Masakit ang tahi pero iindahin mo pa ba yun? Tingnan mo lang anak mo at solve ka na, i assure you! :)
Sunday, June 22, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment