Wednesday, January 31, 2007

he said

- july 2006

Last nite, i celebrated my independence day!!! I'm now independent from those headache cause by those girls..they really made me feel uncomfortable..hirap pala maging pogi..joke lang..binago ko blog ko kasi sabi ni niko wala raw kwenta eh accountant kasi yun kaya mahilig magkwenta pero hindi ko naman pinapakwenta sa kanya..i just want to have like this para isulat yung mga feelings at mga nangyayari sa magulo kong buhay..parang girl no pero I'm a genuine BOY...

Thankz at marami naman palang gustong tumulong sa akin at nakakatawa nyan eh yung pinuproblema ko ay sya pa yung gustong tumulong sa akin..weird noh..kaya lang hindi ko naman alam kung papano sasabihin sa kanya..

shocks..pag nabasa nya ito tapos na lahat..isisikreto ko nalang muna para pagdumating yung tym na hindi ko na kaya itago..send ko na lang sa kanya..galing noh..alam ko kasi na walang kahihinatnan to...imagine nakipagbreak ako sa mga gf ko at gusto kong magbago para sa kanya kaya lang engage na sya..nung nakilala ko kasi sya eh may bf na talga sya..

okay lang yun..sabi ko sa kanya na matagal na akong naiinis sa kanya kasi napaka arte nya pero akalain nyo sa dami ng naging gf ko na maaayos naman at magaganda pero ngaun napakalakas ngkabog ng dibdib ko everytime na mag kikita o maririnig ko yung boses nya, yung mga email nya..hindi ko alam kung may mga mali na sa sinasabi ko...

sana nga lang meron talagang magawa pa yung tadhana para sa mga ilusyon ko..hala grabe na ito..pagnabasa nya ito masmatindi pa sa hubad ang mangyayari sa akin..Sensya na kung napakahaba nang letter ko napansin ko na walang laman pala..

grabe kahit galing lang ako sa pakikipagbreak eh parang walang nangyari pag mabasa ko lang yung mail nya kahit walang kwenta..siguro nga o talagang mahal ko na sya..sarap ng buhay kapag ganito.

tumawag sya at hindi nya alam kung gano kasaya yung feelings ko kapag naririnig ko yung bosses nya..hindi ko alam kung napapansin nya o nararamdaman yung mga padale ko..sabi ko natutuwa ako kapag naaasar ko sya ang hindi nya alam naging masaya ako kasi i have communication with her..

Hindi ko alam kung parang ulan lang ito na dumaan lang..malakas sa una at wla nang sunod..bakit kasi sa kanya pa ako nakadama ng ganito..corny na noh..hindi naman ako ganito eh..

Lagi ko syang pinapahagingan ng mga sweet words ko pero siguro nakasara na talaga yung puso nya sa pakakasalan nya..oh pano hanggang dito muna..basta sulat ko kung ano yung mga feelings ko at mga nangyari sa amin ha..

bye blog..bulagta ako pagnabuksan nya ito..manhid ba sya o sinasara nya lang yung puso nya..

let's find out next time..

bye

0 comments:

Related Posts with Thumbnails

Recent Posts

Adgitize2

Recent Comments

  © Re-Design by Mom Conversations 2010

Back to TOP