Friday, July 11, 2008

Colds and Flu please go away!

nakaleave ako kahapon dinala ko yena sa pedia. so sad, she is really sick. 7 days ang gamutan niya.

and because hubby and i had to work last saturday, nung gabi na lang namen nalaman na may sipon na pala siya..

come sunday nagpunta pa kami ng laguna and dahil tigas ulo kaming mag asawa, pinagswimsuit pa namen siya at pinagswimming ng mga 10 minutes, thinking na she was enjoying the warm water.

i got the time to take my leave thursday na dahil sa rush na trabaho from monday, buti na lang heaven sent ang boss ko at pinayagan akong magleave for yena. im sad kasi umabot pa ng ilang araw bago ko siya napacheckup. i feel like a bad mom..

kanina, tulad ng mga nagdaaang madaling araw puyat kaming mag asawa, pati na rin si mother in law. iyak siya ng iyak na parang may masakit.. nakakaiyak kasi di mo alam ang gagawin to calm her, nakakakonsensya kasi kami ang may kagagawan kung baket umabot pa sa ganun ang sitwasyon.

i learned my lesson now. next time talaga i'll bring her to the doctor at once, no second thought on that. ayoko na mahirapan siya ng ganito ulit.

alam ko na kung baket sinasabi ng mga magulang na ipasa sa kanila ang nararamdamang sakit ng anak.. seeing your child in pain is twice you feel. worst is that yena is just turning 6 months and doesnt communicate what really is painful to her..

with the doctor's prescription of antibiotic, hope that bad colds and uninvited flu go away!

0 comments:

Related Posts with Thumbnails

Recent Posts

Adgitize2

Recent Comments

  © Re-Design by Mom Conversations 2010

Back to TOP