every sunday we make it a point na magsimba ng 9am. mula pa noong magpakasal kami mag asawa, nung magbuntis ako at heto ngayong salitan na kami sa pagkarga kay yena. it's a family time with the Lord every sunday morning. minsan kumakanta pa rin kami sa choir, and i'm dreaming na one day kasama na namen si yena sa pagkanta sa simbahan.
last sunday, may buntis na hinimatay habang nagmimisa. grabe ang nerbyos ko. nag iisa pa naman siya. nakakagaan ng loob makita na may mga good samaritan na tumulong sa kanya, nung nagkamalay ay nagduduwal naman siya. sabi ko kay husband ganun kahirap magbuntis, and im glad na di saken pinaranas ni yena yun..
i remember nung buntis ako kay yena, nagsusuka ako everytime na nagtutoothbrush ako, at less than five times din siguro akong nagsuka sa bus, ang hilo countless na yun. mahirap daw talaga magbuntis, at kung sino man ang nagbabalak na magkaanak ay dapat matatag ang loob mula sa umpisa, panganganak at hanggang sa maging ina. dapat daw laging positive ang outlook at piliting laging ngumiti. ;)
dahil pabago bago ang hormones sa katawan kaya nahihilo, naduduwal at nagiiba iba ang panlasa ng buntis. naalala ko na una kong hinanap noon ay mais na puti ang kulay, yung matamis. at ng nagpabili ako ng isa sa pinsan ko, abot langit ang galit ko nung di yun matamis! di ko pa alam na buntis ako noon!
sabi nila pag gusto mo ng maaasim on your first three months, ibig sabihin boy ang anak mo. and kung matatamis naman ang hinahanap mo, malamang girl! oo, tumpak to saken. kasi ang unang una kong pinaglawayan noon ay kisses almonds chocolate at chuckie. tapos hindi lilipas ang araw na walang pakwan ang meal nameng mag asawa. di lang ako ang naglihi, kung sa akin ay dedma ang mangga, gigil na gigil na gigil naman ang asawa ko dito.
at dahil nagbabago daw ang pang amoy ng mga buntis, i hated smelling nissin's yakisoba and kfc chicken! but before pregnancy yang dalawa na yan ay paborito kong kainin. nakakapagtaka talaga!
six months after giving birth, heto ako ngayon. nagkicrave pa rin. di na ata mawawala ang dila kong parang laging naglilihi! :)
Monday, July 14, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment