Tuesday, May 27, 2008

Sungil

Pag 4 months na daw ang isang baby kelangan na siyang 'sungilin'. Pagsungil means pakainin siya ng pugita para mahigpit ang kapit niya sa mga bagay at butse ng manok para naman hindi siya maselan sa pagkain.

Anung connect? Yun ang tanong ko. Pero ganun ata talaga, sundin na lng ang sinasabi ng mga nakatatanda. Siguro parang baptism of fire lang bago kumain ng mga solid foods.

So hanap ang Daddy ng pugita, inihaw at siyempre pa hindi nagustuhan ng munting kabute.. :)

Nagkatay pa ang Daddy ng manok para lang makakuha ng butse, hayun sayang di ko nakuhanan ng picture, pero as usual di rin ito type ni Yenang.


Now pwede na raw siyang kumain ng Cerelac o Gerber! ;)

0 comments:

Related Posts with Thumbnails

Recent Posts

Adgitize2

Recent Comments

  © Re-Design by Mom Conversations 2010

Back to TOP